Kalam Kalam

"Hindi Ko Inaasahan, Pero Isa Ito sa Pinakamagandang Nangyari Sa Akin—Salamat, Kalam App"

May mga araw talaga na parang walang nangyayari. Yung tipong gigising ka, gagawin mo ang mga kailangan mong gawin, matutulog, tapos uulit lang. Parang umiikot ka sa isang cycle na hindi mo alam kung saan patungo. Ganun ang pakiramdam ko nitong mga nakaraang buwan. Pero isang gabi, habang naka-scroll ako sa Facebook, may isang post na umagaw ng pansin ko—promotion ng Kalam App. Nakalagay doon: “Post your story and get a chance to win 500 pesos GCash! 3 winners will be chosen!” Napangiti ako. Hindi dahil sa premyo kaagad, kundi dahil sa mismong challenge. Mahilig akong magsulat. Mahilig akong mag-imbento ng mga kwento, lalo na yung may halong kilabot at misteryo. Pero aminado ako, bihira akong mag-post ng gawa ko. Parang may bahagi sa’kin na nahihiya, natatakot sa sasabihin ng iba, o baka wala lang talaga akong tiwala sa sarili. Pero nung gabing ‘yon, ewan ko, may kung anong nagtulak sa’kin para subukan. Sabi ko, “Ano bang mawawala? Kung hindi mapili, okay lang. At least naisulat ko.” Kaya gumawa ako ng scary story—mula sa takot ko, sa imahinasyon ko, sa kwentong matagal nang gustong kumawala sa isip ko. Ipinost ko yun gamit ang Kalam App, at hindi ko na inasahan ang kahit ano pa. Ilang araw ang lumipas, nagulat na lang ako nang may notification akong natanggap: “Dear Cisharina Joyce Bocar, Congratulations! You have been selected as a winner of the Kalam Challenge and will receive a reward of ₱500." Para akong binuhusan ng malamig na tubig—pero sa magandang paraan. Hindi ako makapaniwala. Ako? Nanalo? Sa dami ng mas magagaling, mas kilala, at mas sanay magsulat—isa ako sa napili? Napatitig lang ako sa screen, nanginginig pa yung kamay ko habang binabasa ko paulit-ulit yung announcement. Hindi siya panaginip. At totoo nga. Nakuha ko ang 500 pesos sa GCash, at alam mo yung pinakamalupit? Sakto siya sa panahong kailangan ko ng kahit konting tulong. Saktong may babayaran, saktong may kailangan akong bilhin, at sakto rin na parang nalulunod na ako sa stress—pero dahil sa isang kwento, sa isang simpleng pagsubok ng swerte, nakahinga ako nang maluwag. Pero higit sa lahat ng iyon, hindi lang pera ang napanalunan ko. Panalo rin yung tiwala ko sa sarili. Yung pakiramdam na, "May halaga pala yung mga sinusulat ko. May boses pala ako. May nakakabasa, may nakaka-appreciate." Doon ko talaga napagtanto kung gaano kaganda ang Kalam App. Hindi lang siya basta app kung saan ka pwedeng magbasa ng kwento. Isa siyang platform na nagbibigay ng lakas ng loob sa mga katulad ko—yung mga simpleng taong may kwento sa puso pero walang lakas ng loob maglabas. Sa Kalam, pwede kang magsimula. Pwede mong itapon ang takot at sabihing, “Ito ang gawa ko. Sana marinig n’yo.” Kaya kung may talento ka sa pagsusulat—kahit di mo pa sigurado kung “magaling” ka—huwag mong itago. Hindi mo alam kung gaano kalayo ang mararating ng mga salitang inilalabas mo mula sa puso. Hindi mo alam kung sino ang matutulungan mong matawa, matakot, o maiyak. At higit sa lahat, hindi mo rin alam kung anong pintuan ang kayang buksan ng isang kwentong isinusulat mo lang sa hatinggabi. Sana maulit yung naranasan ko. Sana hindi ito ang huli. At sana mas marami pa ang makaranas ng ganitong tuwa, gulat, at panibagong pag-asa. Isa lang akong simpleng manunulat na sumubok. Pero dahil sa Kalam App, naramdaman kong hindi pala ako nag-iisa. At marahil, ito na ang simula.

Please log in to comment.

More Stories You May Like