Kalam Kalam
F
FRANCIA OCO
4 weeks ago

SIMPLENG BUHAY ❤️

Ako ay isang simpleng mamayan,isang asawa at ina sa aking 3 anak.mahirap man ang buhay pero nakakaraos at lumalaban ng patas.wala akong trabaho sa ngayon dahil maliit pa ang bunso namin.di man kami pinalad sa pinansyal,mapalad naman kami sa aming mga anak lalo na sa 2 namin estudyante consistent honor sila since day care hanggang ngayon,patapos na ng grade seven ang panganay ko iskolar sya sa eskwelahan nya hanggang grade ten.at mag tatapos sya ngaun ng may mataas na karangalan.ganun din ang grade five ko kaya nakakatuwa kasi sa kabila ng hirap ng buhay nagsusumikap silang mag aral ng mabuti.mapalad din ako sa aking asawa dahil isa syang mabuting asawa at ama sa aming mga anak,nagsusumikap para sa amin.kaya naniniwala akong makakaaho din kami balang araw.pangarap ko din makapag ibang bansa para maka pundar din kami ng sariling bahay at para na din sa kinabukasan ng aking mga anak.kaya kung loloobin ng Diyos kahit mahirap malayo sa pamilya kakayanin ko,mabigyan ko lang ng magandang kinabukasan ang mga anak ko.Kaya patuloy akong nagtitiwala na darating ang tamang panahon para matupad ang pangarap ko para sa aking pamilya lalo na para sa aking mga anak.God bless po!naway mainspired kayo sa aking kwento.

Please log in to comment.

More Stories You May Like