Kalam Kalam
R
Rosalie J. Bie
2 weeks ago

My Life

Hii ako po si Rosalie Bie 24 taong gulang may 3 anak kakapanganak ko palangbpo and share ko lang po yung hirap at journey nong nanganak ako naglabor po ako ng ako lang mag isa walang kasama sa hospital sobrang hirap kasi wala kang mapagsabihan ng kung anong masakit sayo wala ka manlang mayakap trauma yung nangyare kasi hindi manlang ako inaasekaso ng mga hipag ko ako lang talaga ang nag alaga sa sarili ko wala pa akong isang buwan nag iigib nag lilinis na ako meron yung time na muntik na ako mabinat napaka delekado pero wala akong choice kundi kumilos sarili ko lang ang aasahan ko nagtratrabaho ang asawa ko sa canteen ng school 250 per day ang sahod nya 3 anak ko weekly sya sumasahod sa 1 week 1250 pagkakasyahin namin yun sa bigas ulam at baon ng. bata kulang na kulang para sa diaper ng bunso ko sobrang hirap kahit anong kayod di parin umuusad pero kahit ganon kumakapit nalang kami sa dasal kasi sa panahon ngayon sarili mo lang aasahan mo e kaya grabe talaga ni isa wala kaming malapitan na kapamilya dumating sa point na walang wala kami hindi ko alam kung papaano na okay lang samen na di kami kumain kaso sa mga bata sobrang nakakakonsensya sana dumating yung araw na samen naman pumabor ang panahon yung hindi na kami mag aalinlangan na nauubusan kami bigas yung kahit ano ang meryendahin ng anak namin sana talaga may magandang oppurtunity na dumating saaming mag asawa

Please log in to comment.