Share ko lang itong sarili kong experience nangyari lang nitong taon. Tungkol ito sa lola ko na namatay nung 2022. Nasa province na sila nakatira kaya halos 4 hours ang biyahe namin kapag bibisita sa kanila. May anak na rin ako ngayon at maliit pa kaya pahirapan din ang biyahe. Huling uwi namin nung ilang buwan pa lang siyang nalibing. Nagbabalak kami lagi na dumalaw sa mga kamag-anak namin doon pati na rin sa puntod ng lola ko, ang kaso hindi kami matuloy-tuloy dahil wala kaming pamasahe o magagamit na sasakyan. Isang gabi, napatulog ko na yung anak ko kaya natulog na rin ako. Sumunod na pangyayari nakita ko na lang yung sarili ko na nakaupo sa sala ng bahay namin pero ang nakita kong itsura ng bahay namin ay yung luma pa at wala pa kaming 2nd floor. Kaya napagtanto ko na nananaginip ako. Sa panaginip ko, Nasa sala ako at ang kapatid ko nasa kusina at may naaninag akong may kasama siya sa kusina at saka ako nakarinig na may nagsalita at sinabing, "Dalawang taon na ah." Nagulat ako kasi boses ng lola ko yun! Dali dali raw akong lumabas ng bahay at napayuko sa takot. Nung nasa labas ako may nakita akong tatlong bata na hindi ko kilala o hindi ko lang maaninag yung mukha nila. Nakatayo lang sila at walang imik. Sa sobrang takot ko nakayuko lang daw ako hanggang sa napatingin ako sa may basang tubig sa sahig at nakita ko ang repleksyon ng lola ko na nakitingin sa akin at doon na ako nagising. Kwinento ko agad sa mama ko at sa asawa ko. Sabi nila nagpapa-dalaw daw ang lola ko kaya ganoon na lang ang panaginip ko dahil tama siya dalawang taon na na hindi kami nakakabisita sa kanya. At saka pangit daw yung ginagawa namin na nagbabalak umalis tapos hindi matutuloy parang may pinapaasa raw kami. May nakalimutan rin akong banggitin sa kanila nun kasi bago ilibing ang lola ko nag-iwan kami ng sulat sa kanya. May sinabi ako doon na, "Hindi ka man lang namin nakitang dumilat". Kaya pala ako nagising agad kasi yung nakita kong repleksyon niya, dilat na dilat yung mga mata niya. Kaya nagdasal ako para kay lola nun. Ngayon ok naman na hindi na rin ako nananaginip ng ganun simula nagdasal kami para kay Lola.
Please log in to comment.