Kalam Kalam
J
Jeric Amorsolo
3 weeks ago

KULTO

Ang pamilya ni Jeric ay isang normal na pamilya lamang na naninirahan sa bayan ng Cavite. Mayroon syang isang tiyahin na malapit sa kanyang ina. Palagi itong dumadalaw sa kanila upang makipag-kwentuhan sa kanyang nanay. Lalo pa ng mamatay ang asawa nito. Palagi nila itong nililibang upang hindi ito malungkot at matutunan na malagpasan ang pagsubok sa buhay. Hanggang isang araw, may ipinakilala ang tiyahin niya na bago nitong nobyo. Mabait ang lalaking ito at talagang maalaga sa kanyang tiyahin. Ngunit, lingid sa kaalaman ng lahat, may kakaibang awra na napapansin si Jeric sa taong ito dahilan upang hindi maging buo ang tiwala nito sa lalaki. Lumipas ang isang taon, maayos naman ang lahat. Nang biglang pumunta sa bahay ang kanyang tiyahin at ang bago nitong nobyo. May mga kasama itong mga babae at lalaki na nagpakilalang taga-simbahan. Nang tanungin ng mga nakatatandang kapatid ni Jeric kung anong relihiyon ay walang sinabing relihiyon ang mga ito bagkus ang isinagot sa kanila ay "ang Diyos ay walang sinabing anumang relihiyon" na nagpaniwala naman sa nanay at mga kapatid na babae ni Jeric. Nagpulong sila sa loob ng tatlong oras ngunit si Jeric ay mailap at hindi sumali sa kanilang ginagawang tinatawag nilang "sharing of wisdom". Lumipas ang mga araw, linggo at buwan na araw-araw pumupunta sa bahay nila ang mga lalaki at babae na iyon upang hikayatin ang pamilya ni Jeric na umanib sa kanilang samahan. Hindi tumutol si Jeric sa halip ay nagmasid lamang sya. Isang araw, napapansin nya na parang may kakaiba na sa kanilang pamilya. Binabalewala na ng mga ito ang mga bible na nauna nilang mapag-mayari bago nila nakilala ang bagong nobyo ng kanyang tiyahin. Kanila itong sinunog habang sila ay nakapaikot dito at nagbabanggit ng mga salitang hindi maintindihan. Marami pang mga kakatwang nangyari sa pamilya nila. Andyan ang bigla na lang iiyak at luluhod ang mga ito na parang may nakikitang kung ano. Isang araw nagkalakas ng loob si Jeric na kausapin at kuntsabahin ang kanyang mga kapatid na lalaki. Kanila nilang hinarangan ang kanyang tiyahin at bago nitong nobyo kasama ang iba pang tao. Hindi nila hinayaan na makasali pa ang kanilang ina at mga babaeng kapatid sa pagtitipon na iyon. Palagi nilang hinaharang ang mga taong akala mo lumalason sa isip ng kanilang pamilya. Hanggang sa tila bumabalik na sa normal ang lahat. Nawawala na ang mga kakatwang nangyayari sa kanilang pamilya. Hanggang sa tuluyan ng hindi bumalik ang mga taong iyon sa kanilang bahay. Pero sa tuwing mapag-kukwentuhan ang mga nangyari ay walang sagot na maibigay ang nanay ni Jeric maging mga kapatid na babae dahil wari na wala silang naaalala sa kanilang mga ginawa.

Please log in to comment.