Kalam Kalam
Profile Image
Ric Ong
3 weeks ago

Ang kakaibang tinig.

Isang araw kami ng kapatid kong mas nakakabata ay mamasyal sa kakahuyan na medyo malayo sa amin. Dahil na rin siguro dala ng pagkabagot namin ay naghanap kmi ng mga gagamba. At nung medyo napalayo na kmi ay may nakita kaming nag iisang bahay Kubo, mukang abandonado na at mukang walang nakatira. "Kuya tignan mo yung ibon sa taas ng bubong, mukang kakaiba wika ng aking Kapatid".Dali dali'y pumulot ng bato ang aking kapatid at binato ang ibon. Hindi naman tumama sa ibon dahil agad itong nakaiwas at nakalipad, ngunit pagkatapos noon doon nmin narinig ang isang kakaibang tinig. "Tinig na parang galing sa maliit na tao, iba ang wika nya at mabilisan ang pagbigkas. At dahil na rin sa takot namin magkapatid ay kumaripas kami takbo ,hangang sa makalayo. Nung medyo malayo na kami ay nakita namin ang ibon, nakatingin sa amin at para bang may gustong ipahiwatig. Hindi naman nagtagal ay umalis din ang ibon, nagtinginan kaming magkapid, at nagpasya na lang umuwi. Kinabukasan ay nagulat na ako at may bumping na may maligamgam na tubig Ang aking kapatid sa noo. Nilagnat Siya wika ng aking Ina, duon ko na kwento ang nangyare sa amin kahapon kay ina. Ilang sandali lang ay may pumuntang nagtatawas, at tinawas ang kapatid Kong may lagnat. At nang natapos na , ang lumitaw sa nalusaw na kandila ay hugis bato, ibon at ang nakakapangilabot ay duwende. Duon kami nagka tinginan magkapatid at sa isip namin ay parang parehas kami ng nasa isip. Ang kakaibang tinig ay marahil iyon ay Ang duwende. Lesson: Matutong rumespeto sa kahit ano mang bagay na may buhay. Dahil kamuka nila tayo'y may sari sariling teritoryo.Nakikita man o hindi, dahil tulad nila tayo ay may pinaniniwalaan din na hindi pa nasisinagan ng ating mga mata. At yan ay ang nag iisang Diyos. Salamat.

Please log in to comment.