PANGARAP (kwentong inspirasyon ) Ako ay isang estudyante mula sa isang simpleng pamilya sa probinsya ng Sultan Kudarat kilala sa tawag na "Miro" .Lumaki ako sa hirap at simpleng Pamilya, ngunit hindi ko hinayaan ang aking sitwasyon na hadlangan ang aking mga pangarap. Bagaman mahirap lamang kami, ang mga magulang ay nagtanim sa akin ng matibay na halaga sa edukasyon. Sa paaralan, nahihirapan ako sa aking araw araw gastusin maski papel at lapis ay nanghihiram lang ako.Tuwing recess ginagawan ko ng assignment ang aking mga kaklase kapalit ng pang recess. Madalas akong nawawalan ng pag-asa at iniisip na hindi ko kayang abutin ang aking mga pangarap. Ngunit isang araw, nakilala ko ang aking guro sa Aralin Panlipunan na si G. Guialo. Si G. Guialo ay hindi lamang isang mahusay na guro kundi isang inspirasyon din sa mga estudyante. Sinabi ni G. Santos kay Juan, "Ang tagumpay ay hindi nasusukat sa kung gaano kahirap ang iyong pinanggalingan, kundi sa kung gaano kalakas ang iyong determinasyon at pagmamahal sa iyong mga pangarap." Dahil dito, nagsimula ako na maglaan ng mas maraming oras sa pag-aaral. Sa kabila ng kawalang pag asa at hirap na haamon ng buhay. Nagtatrabaho sa bukid kasama ng aking mga magulang,nag aani at naglilinis ng mais,monggo at iba sa taniman aming kabarangay kahit na maulan at sobrang init ng araw kapalit ng kaunting bayad upang may panggastos siya sa kanyang pag-aaral. Sa paglipas ng panahon, mas nakilala ko ang aking sarili.Nakita kong natutuwa ako sa pag-aaral at natuklasan ang aking tunay potensyal. Naging top student Ako sa klase at nakatanggap ng scholarship sa isang prestihiyosong unibersidad. Sa ngayon isa na akong 2nd Year College Students sa Mindanao State University Paglat Campus bilang isang guro at patuloy na nakakapasok bilang DEAN'S LIST ng aking pinasukan Unibersidad. Nawa'y may natutunan po kayo sa aking kwento. Ito ay patunay na ang determinasyon at sipag ay mahalaga upang abutin ang mga pangarap. Kahit saan man tayo magmula, may kakayahan tayong umangat at magtagumpay basta’t may paniniwala sa sarili at pagmamahal sa ating mga pangarap.
Please log in to comment.