Magandang umaga po mga kaKALAM,this story ay about po sa nakakainspire na nagawa,ginawa at gagawin ng mga magulang para sa kanilang mga anak.Yung tipong isusubo na lang ay ibibigay pa sa aming mga anak nila,kahit walang matira bsta meron ang anak,kahit magutom sila wag lang ang mga anak.Napakasakit sa kalooban na nakikita natin ang ating mga magulang na nagpapakahirap para sa ating mga anak tapos may mga anak na binbalewala lang ang kanilang mga magulang.Sobrang dami kong napapanood sa socmed na mga anak na sinasaktan ang kanilang mga magulang,meron pang anak na pina*** ang kanilang magulang dahil lang sa walang maibigay .Nakakalungkot na binigay ng magulang ang buhay nila para sa atin tapos tayong mga anak lang ang tatapos ng buhay nila.Kaya sa kumpleto pa ang magulang diyan,pahalagahan at mahalin po natin sila.Dahil kapag nawala po ang ating mga magulang ay dun lang natin malalaman kung gaano kahirap mawalan ng magulang ,kulang na kulang ang buhay kpag walang magulang.Dahil sila ang gumagabay,nagpapaalala,nagmamahal,tumutulong,nagbibigay sa ating mga anak.Wala tayong kakampi sa buhay kundi ang ating mga magulang at ang ating mahal na panginoon.Iwan man tayong ng lahat ng tao,mga magulang lang natin ang tanging ndiyan para sa atin.Kaya sa ating mga anak.Mahalin natin ang ating mga magulang☺️👴👵
Please log in to comment.